Posts

PAG-IBIG Jose Corazon de Jesus 1926     Isang  aklat  na maputi, ang isinulat:  Luha ! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang  talata ; Kinabisa  at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka't  nagkauban , hindi mo pa maunawa.     Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo  makuro . Lapitan mo nang matagal ang  pagsuyo'y  naglalaho; Layuan mo at kay-lungkot,  nananaghoy  ang pagsuyo!     Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan, Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan, At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang. Ang Pag-ibig kapag  duwag  ay payapa't walang agos, Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos! Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang  inaanod , Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!     A...